^

PSN Showbiz

Kylie, ayaw pa ring ipakita ang mukha ng bf na kasama sa Japan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kylie, ayaw pa ring ipakita ang mukha ng bf na kasama sa Japan
Kylie Padilla, boyfriend, at anak

Ang bongga naman ng aktres na si Kylie Padilla na kasama ang mga anak na sina Alas at Axl na namamasyal sa Japan pati na ang boyfriend nito.

Ipinost ng anak ni Sen. Robin Padilla ang pamamasyal nila sa Hakone kung saan nag-enjoy sila sa pagsakay sa cable car na may magandang view, namili ng souvenirs at pati na rin ang mga masasarap na kinain nila roon.

Mukhang matagal na nilang gustong pumunta sa Japan at ngayon lamang nila nagawa base sa kanyang caption na “Finally natuloy din sa hakone.”

Pero tila mas lutang ang saya ng aktres ngayon na kasama rin ang bago niyang karelasyon na hindi niya pinakikita ang mukha sa mga video nila. Mukha silang happy family na magkakasama.

Ayon nga sa netizen ay mukhang nakita na nito ang ka-match niya.

Inamin naman kamakailan ng ex ni Aljur Abrenica na taken na siya pero hindi na nito dinetalye ang tungkol sa bagong karelasyon.

Ibang mundo raw kasi tuwing kasama niya ito na hindi parte ng showbiz at nagiging normal siya.

Samantala, komento naman ng netizens ay tila hindi na raw masyadong nakakasama ni Aljur ang mga anak na sina Alas at Axl at tingin nila ay mas busy na ito sa karelasyong si AJ Raval, na ayaw pa ring tantanan ng bashers.

Bongga. At least, pareho silang nakahanap ng panibagong kaligayahan.

Camille Villar, dama ang sinseridad

Ang ganda ng napanood kong parang commercial ni Camille Villar.

Feel na feel mo ‘yung sincerity at sweetness ni Camille na talaga namang personality niya.

Kaya sure ako na tuwang-tuwa si Avec Amarillo sa mga naririnig niyang papuri kay Rep. Camille Villar. Kung sakali na totoo ang balita na tatakbo siya sa mas mataas na posisyon, parang may malaki na agad itong advantage dahil parang ang lakas ng hatak niya sa tao.

Bata, achiever at talagang charismatic kaya madaling makakuha ng simpatiya.

vuukle comment

ACTRESS

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with