^

PM Sports

PBA magkakaroon ng sariling tahanan

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa wakas ay magkakaroon na ang Philippine Basketball Association (PBA) ng sarili nitong coliseum.

Tumitingin na ang PBA ng ilang lote sa Metro Manila na posibleng pagtayuan ng permanente nilang tahanan, ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial.

“We’re looking at pro-perties in Metro Manila, about two to three hectares ang laki. Malapit na itong matuloy,” ani Marcial sa kanilang planning session sa Swissotel Nankai sa Osaka, Japan.

“At kung matuloy at maitayo ito, hindi na maguguluhan ang mga fans kung saan ba ang venue ng PBA games,” dagdag nito.

Ayon kay PBA Board chairman Ricky Vargas ng TNT Tropang Giga, mayroon na silang business partner na makakatuwang nila sa pagtatayo ng sariling coliseum.

“We have a partner that has offered to build the arena in a joint venture basis as long as we can give them the land,” ani Vargas.

Mula nang maitatag noong 1975 ay naging tahanan ng PBA ang makasaysayang Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Maliban sa Big Dome ay naglalaro rin ang liga sa Philsports Arena sa Pasig City, Mall of Asia Arena sa Pasay City at sa Ynares Center sa Antipolo City.

Sa paghina ng gate attendance ay nagdesisyon ang PBA na maglaro sa labas ng Metro Manila sa nakaraang Season 48.

Kabilang dito ang pag-lalaro sa Rizal Memorial Coliseum at sa NAS sa Vito Cruz, Manila sa Season 48 at ang pagdaraos ng ilang semifinal games ng Season 48 PBA Philippine Cup sa Dasmariñas Arena sa Cavite at sa FPJ Arena sa San Jose, Batangas.

Sa darating na Season 49 ay patuloy na maglalaro ang PBA sa Araneta, MOA Arena at Ynares Center.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with