^

Bansa

Hirit ni Guo vs suspension, ibinasura ng Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inisnab ng Office of the Ombudsman ang mosyon ni Bamban Mayor Alice Guo na alisin ang suspension order kaugnay sa reklamo ng DILG sa umano’y pagkakasangkot ng alkalde sa ilegal na operasyon ng POGO sa kanilang lugar.

Sa inilabas na kautusan ni Ombudsman Samuel Martires, nakasaad dito na walang nakitang basehan ang Ombudsman para payagan ang hiling ni Guo na alisin ang ipinataw na preventive suspension laban sa Alkalde.

Binigyang diin ng Ombudsman na batay sa kanilang preliminary findings, may sapat na batayan at malakas ang ebidensya sa ngayon laban kay Guo, at sa co-respondents nitong sina Business Permit and Licensing Officer Edwin Ocampo at Municipal Legal Officer Adenn Sigua kaugnay ng reklamo ng DILG dito. Malinaw umanong may business interest si Guo sa Baofu Corp. na kita sa eletric bill na nakapangalan sa akalde.

Nilinaw ng Ombudsman na hindi parusa o penalty ang preventive suspension na ipinataw kay Guo at iba pa. Layunin umano nito na hindi magamit ng mga opisyal ang kanilang tungkulin para maimpluwensyahan ang mga testigo o mapakialaman ang mga dokumento na mahalaga sa kaso.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with