Maluyo, Jaro sa Gen-San Milo Marathon

GENERAL SANTOS City, Philippines -- Pinangunahan nina Gilbert Maluyo at veteran Criselyn Jaro ang 7,790 mananakbo na nakibahagi sa 14th regional leg ng 36th National Milo Marathon dito.

Tinapos ni Maluyo ng Holy Trinity College ang karera sa loob ng isang oras at 14.12 minuto upang ta-lunin si Elmer Bartolo para sa back-to-back 21K Milo Marathon regional cham-pionship. Si Bartolo ay may oras na 1:15:24 kasunod si  Arnie Macañeras na may tiyempong 1:18:42.

Pinangunahan naman ni Jaro ang women’s division sa kanyang pinakamabilis na oras na 1:31:23 upang talunin sina Mona-lisa Ambasa ng NDMU IBED (1:31:38 ) at April Rose Diaz (1:32:25) bilang runner up at third placer ayon sa pagkakasunod.

Sa special awards category, may dalawang award ang General Santos City National High School bilang Biggest Delegation at Fastest De-legation dahil sa kanilang naitalang 1,070 finishers na may aggregate time na 23:25.58.

Show comments