2 kelot tinodas ng apat sa bahay
MANILA, Philippines — Agad nasawi ang dalawang lalaki nang sila ay pagbabarilin ng apat na hindi kilalang lalaki na pumasok sa kanilang bahay sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.
Ang mga nasawi ay isang 41-anyos na may-ari ng bahay at ang kanyang bisita na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa inisyal na ulat ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa loob ng bahay, na matatagpuan sa Molave Extension, Tondo.
Nahagip pa ng CCTV ang pagpasok at paglabas ng mga suspek na nakasuot ng face mask, sombrero at hood sa eskinita patungo sa bahay ng mga biktima kaya’t hindi makilala.
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy ang motibo sa krimen at mapanagot sa batas ang mga may kagagawan.
- Latest
















