Bela, ayaw pang umamin

It was in November 2021 nang magdesisyon ang Fil-British actress na si Bela Padilla na manirahan sa London. At that time ay she was in a relationship sa Swiss national na Norman Bay na kanyang naging kasintahan until August 2024.
It was a mutual break-up at nanatiling magkaibigan ang dalawa.
Katunayan, bumisita pa si Norman sa Pilipinas habang ginagawa ng aktres ang pelikulang 100 Awit Para Kay Stella.
Habang nasa London ay nag-enroll ang actress sa acting course sa Royal Academy of Dramatic Arts in London nung 2023. Paminsan-minsan ay umuuwi siya noon ng Pilipinas to do some projects pero bumabalik din siya ng London.
Pero nung January 2025 ay nagdesisyon siyang bumalik ng Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang career dito bilang actress, scriptwriter, director, producer, at entrepreneur.
Ang isa umanong cause ng paghihiwalay nila ng dati niyang boyfriend ay mahirap umanong i-keep ang long-distance relationship sa kanilang pagitan.
Sa pagbabalik ng Pilipinas ni Bela ay lumagda siya ng kontrata sa Star Magic, pero sa kabila nito ay patuloy siyang gumagawa ng proyekto sa Viva tulad na lamang ng kanyang upcoming movie project, ang family drama na Life After You na pinamahalaan ng Dollhouse director na si Marla Anchteta,
Dito ay kabituin niya sa unang pagkakataon ang Diamond Star na si Maricel Soriano na naging instant nanay-nanayan niya.
Kasama rin sa latest movie nila ni Marya ang child actress na si Dani Zee, Gardo Versoza, Jeric Raval, Marlo Mortel, Krissha Viaje, MJ Cayabyab, Peach Caparas, at kung saan may special participation si Ryza Cenon.
Ang Life After You ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide on September 9, 2026.
Samantala, masaya ngayon ang puso ni Bela dahil meron itong bagong nagpapatibok ng kanyang puso, ang non-showbiz guy na si Martin Tan, pero hindi pa ito inaamin ni Bela.
Sue, hindi na masyadong nakausap ang ina bago pumanaw
Ulila nang ganap ang Kapamilya star na si Sue Ramirez (30) matapos sumakabilang-buhay ang kanyang mahal na ina na si Gng. Concepcion ‘Chit’ Garina-Dodd nung nakaraang Lunes, August 17, 2026 due to heart complications.
A couple of years ago ay naunang namayapa ang American father ng aktres na si James Peter Dodd, isang retired Senior Officer of the United States State Department dahil din sa heart ailment.
Bukod kay Sue, naulila rin ang apat niyang nakatatandang mga kapatid – two girls and two boys.
These past few months bago binawian ng buhay ang ina ni Sue ay wala na umano silang communication sa kanilang ina na nanatiling bed-ridden at hindi na nakakapagsalita.
Ang buong akala pa nga ng magkakapatid ay gagaling ang kanilang ina matapos itong sumailalim ng open heart surgery.
- Latest



















