^

PSN Showbiz

Epy, ipinagmalaki ang tnvs driver na nagsauli ng kanyang telepono!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Epy, ipinagmalaki ang tnvs driver na nagsauli ng kanyang telepono!
Epy Quizon at Jhun
STAR/ File

Marami pa rin ang natitirang honest na tao sa mundong ito laluna sa ating kapwa Filipino.  Ang nakakalungkot lamang ay nata-tag ang mga Pinoy sa pagiging corrupt laluna sa marami sa ating mga pulitiko at public servants.

Sa case ng actor-director na si Epy Quizon, isa sa 18 anak ng yumaong comedy king na si Dolphy (Quizon) at nakababatang kapatid ng actor-director at producer na si Eric Quizon, ay gusto niyang ipangalandakan sa lahat ang ipinakitang pagiging honest ng isang Grab driver ng nagsauli ng kanyang cellphone.

Nang bumaba ang actor sa kanyang sinakyang Grab ay hindi nito namalayan na naiwan niya sa kanyang inupuan ang cellphone niya. Nalaman na lamang niya ito nang makarating siya sa kanilang bahay.

Nang mapansin naman ng Grab driver ang naiwang cellphone ay hindi siya gaanong lumayo kung saan bumaba ang actor sa pag-aakalang tiyak na tatawag ito para hanapin ang kanyang cellphone na naiwan sa sasakyan. Makalipas ang tatlong oras ay nag-ring ang mobile phone ni Epy at sinagot ito ng Grab driver at kinumpirmang nasa kanya ang naiwan nitong cellphone at saka hiningi ang address ng actor kung kanino niya personal inabot ang naiwan nitong cellphone sa kanyang sasakyan.

“Meet Mr. Jhun Diaz, my Grab driver—and today’s reminder that good people are still everywhere,” post ni Epy sa kanyang Instagram (IG) account.

“What I’ll remember most wasn’t just that he gave my phone back—it was the smile on his face. There was no annoyance, no irritation about the inconvenience. Just a genuine happiness that he could help,” patuloy ng actor.

“Acts of honesty like this deserve to be celebrated. Thank you, Mr. Jhun Diaz for your kindness, integrity, and compassion. People like you restore our faith in humanity,” pagtatapos ng mensahe ng actor.

Nakakatuwa lamang malaman na marami pa rin sa ating mga kababayan ang nananatiling tapat hindi lamang para sa kanilang mga sarili kundi laluna sa kanilang kapwa.

Kathryn, hate na ang loveteam!

Masuwerte ang singer-actor and entrepreneur na si James Reid na Asian Superstar na si Kathryn Bernardo ang kanyang unang kapareha sa kanyang comeback project sa telebisyon sa pamamagitan ng much-awaited TV series na Someone, Someday na unang mapapanood on Netflix strea­ming app ahead sa iba’t ibang platform ng ABS-CBN na magsisimula namang mapanood on July 27, 2026.

Wala nang dapat patunayan pa si Kathryn na kayang tumayo on her own without banking on a popular loveteam.

Mas gusto ngayon ni Kathryn na makatrabaho ang iba’t ibang kapareha kesa ma-associate siya sa isang loveteam na unti-unti nang nabubura.

Bukod sa bagong TV series na Someone, Someday kung saan din tampok sina Maja Salvador, Dimples Romana at iba pa, ito’y magkatulong na pinamamahalaan nina Chad Vidanes at Dolly Dulu, on the works na rin ang iba niyang projects which include a new film and new endorsements.

Samantala, nananatiling low-key ang relasyon ni Kathryn sa kanyang non-showbiz boyfriend, ang batang mayor ng Lucena City na si Mark Alcala.

QUIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with