^

Police Metro

Bilang ng boto para mahatulan si VP Sara, linawin - Lacson

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dapat agad linawin ng Senate impeachment court ang usapin tungkol sa itinatakdang kaila­ngang bilang ng boto sa ilalim ng konstitusyon para mahatulan si Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na mahalagang maresolba ang isyung ito bago umabot ang paglilitis sa paghatol para maiwasan ang mga posibleng sulira­ning legal.

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos ang ­unang linggo ng impeachment trial ng Bise Presidente na pangunahing nakatuon sa usaping pang proseso sa halip na sa presentasyon ng mga ebidensya laban kay Duterte.

Sa unang tatlong araw ng pagdinig, inihalal ng mga senator-judges si Senador Chiz Escudero bilang presiding officer ng impeachment court at pormal din pinagtibay ang Rules of Procedure on Impeachment Trials.

Ilang paunang mosyon din ang nilutas kabilang dito ang mga usapin tungkol sa bilang ng boto na itinatakda para sa conviction at mosyon na inihain ng prosekusyon at depensa.

Ayon kay Lacson, sang-ayon siya na 16 na boto ang kailangan para mahatulan si Duterte at dapat malinaw at mapagpasyahan na ang itinakdang bilang ng boto na hinihingi ng Konstitusyon bago umabot ang impeachment court sa paglalabas ng hatol.

Nag-ugat ang isyu matapos na talakayin ng senator-judges kung itinatakda ang 2/3 votes ay nakabase sa buong miyembro ng Senador na 24 o ang mga miyembro lang na makakadalo sa trial.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with