Baterbonia
Sinubukan ko ilagay ang sarili ko sa katayuan ng mga magulang ni Rene Baterbonia, ang 18-year-old na player ng Ateneo na nasawi sa pagkalunod kasama ang Nigerian teammate na si Divine Adili nung Lunes sa Aurora.
Marahil eh alam n’yo na ang nangyari. Pero ang hindi natin alam eh kung bakit nangyari ang trahedya.
Malaking WHY?
Napakasakit para sa pamilya ni Rene dahil bukod sa pagiging isang magaling na player, mabuting tao. Malayo sana ang mararating at dehins lang ang pagiging MVP sa 2025 Palarong Pambansa.
Bumaha ng videos ng highlights ni Rene sa court. Exceptional para sa isang batang may taas na 6-4. Kaya bukod sa Ateneo, given na aabot siya sa PBA or maglaro sa Gilas. At hindi natin alam, baka sa Japan or Korea.
Simple lang ang pamilya ni Rene. Taga Agusan del Sur. Mahirap na pamilya. Kaya siya na sana ang susi para sa magandang buhay ng pamilya niya.
Pero sa isang iglap, naglaho lahat. Nawasak ang pangarap. Kung last week lang eh buhay pa si Rene, ngayon eh nagluluksa pamilya niya.
Mahaba ang pila ng mga gusto makiramay sa kanya sa Davao kung saan dinala ang mga labi niya. Teammates, classmates, schoolmates, mga artista, mga pulitiko at ang masa, nakikiramay sila.
Pumunta na lahat except one person: ang Ateneo coach na si Tab Baldwin, ang in charge sa activity kung saan naganap ang trahedya.
In a few days, ililibing na si Rene. May he rest in peace.
Then again, magtatanong tayong lahat.
WHY?
- Latest



















