^

Krema

Krema (180)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“IDIKIT-DIKIT mo pa Sarge,” sabi ni Col. Valdez habang hawak ang kuwarenta’y singko. ‘‘Kailangang malapitan ang pag-asinta para hindi na makatakbo ang mga hung­hang na ‘yan.’’

Idinikit pa ni Sarge sa riding-in-tandem. Mga isang dipa marahil ang layo sa riding-in-tandem.

Pagsapit sa stop light nagdahan-dahan na ang bridal car. Walang sasakyan sa unahan.

Pumihit naman ang ri-ding-in-tandem. Kumaliwa para mag-overtake sa bridal car. Napansin ni Colonel na binunot na ng kaangkas ang baril.

“Ngayon na!’’

Biglang binuksan ni Colonel ang pintuan sa side niya. Mabilis na bumaba.

Sa mga sandali namang iyon, naibalya na ng pulis na driver ang pintuan ng bridal car sa tandem.

Bagsak ang tandem sa hindi inaasahang pangyayari. Nawalan sila ng panimbang. Ganunman, hawak pa rin ng kaangkas ang kanyang baril at handang paputukan ang sakay ng bridal car.

“Ooopps! Walang kikilos! Walang kikilos!’’ Sigaw ni Colonel habang nakatutok ang baril.

Pero desidido ang gunman kaya nagpaputok pa rin.

Pero mas mabilis pumutok si Colonel at inasinta ang mga paa. Sapol! Namilipit ang gunman sa sakit.

“Ibaba mo ang baril! Baba!’’

Wala nang nagawa ang gunman. Ibinaba ang baril.

Ang kasama ng gunman ay takot na takot.

Nagbabaan ang dalawang pulis na nasa bridal car at pinosasan ang mga hired killers.

Bumaba rin sina Krema at Lex sa sasakyan at lumapit sa mga naaresto.

“Sinong nag-utos sa inyo na patayin ako?’’ Tanong ni Krema sa dalawa. ‘‘Sino?’’

Gulat na gulat ang gun­man kay Krema. Ang baba­rilin pala nila ay wala sa bridal car.

‘‘Si Mama Dang po ang nag-utos!’’ (Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with