^

Krema

Krema (176)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MERON po kaming isa-suggest Colonel Valdez para mahuli ang riding-in-tandem na papatay sa akin sa araw ng kasal namin ni Lex,” sabi  ni Krema.

“Ano yun?’’

“Gagawa po tayo ng senaryo. Kunwari po ay ako ang nasa bridal car pero ang totoo, manikin lang ito. Kapag nakita ng riding-in-tandem ang bride, tiyak na pupuntiryahin. Sabi po ng informant namin, pagtigil ng bridal car sa traffic light, doon sila aatake.’’

“Hmmm, alam ko ang balak mo, Krema. Naiimadyin ko na. Problema lang dito ang mga gagamitin nating props. Baka hindi namin ma-provide.’’

“Don’t worry Colonel. Kami po ni Lex ang bahala. Gagawin namin ito para ganap nang matigil ang kasamaan ng drug queen na si Dang. Kung hindi po siya mapapatigil, lalaganap ang droga sa bansa at kawawa ang mga kabataan at iba pa.’’

“Nakakahanga kayong dalawa. Bihira na sa panahon ngayon ang katulad n’yong may malasakit sa bayan at kapwa.’’

“Salamat po, Colonel. Huwag na po kayong mamroblema sa gamit.’’

“Humahanga rin ako at naisip n’yo ito. Mabuti yata ay nagpulis ka Krema dahil matapang ka.’’

“Kung puwede nga po sana Sir kaya lang baka hindi pumayag itong magiging mister ko.”

“Bakit naman?’’

“Gusto niya po e sa bahay lang ako, para mapag­lingkuran siya, he-he!’’

“Talaga?’’

Si Lex ang sumagot. “Opo, Colonel. Masarap po kasing magluto si Krema kaya gusto ko sa bahay lang siya.’’

Nagtawa ang mabait na colonel.

 

MAKALIPAS ang isang linggo, ipinakita nina Krema at Lex kay Col. Valdez ang bridal car at manikin na gagamitin.

“Eto na po ang gagamitin natin, Colonel.’’

“Okey. Planadung-planado. Sige sa makalawa na ang kasal n’yo di ba?’’

“Opo.’’

 (Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with