Buntis, lumahok sa 7 marathons sa loob ng 1 taon
ISANG 38-anyos na babae sa U.S., ang nakatapos ng pitong marathons habang buntis, kabilang ang New York City Marathon na tinakbo niya noong ika-walong buwan ng kanyang pagbubuntis.
Si Deirdre Keane, isang nurse practitioner at management consultant, ay matagal nang marathon runner at nakatapos na ng mahigit 60 races bago pa siya mabuntis. Layunin niya ngayong 2026 na makumpleto sa loob ng isang taon ang pitong World Marathon Majors, ang Tokyo, Boston, London, Sydney, Berlin, Chicago at New York.
Nagsimula siya sa Tokyo Marathon noong Marso. Pagsapit ng Boston at London marathons noong Abril, napansin niyang mas mabagal siya kaysa karaniwan at kakaiba ang kanyang pakiramdam. Nang mag-pregnancy test siya, nalaman niyang buntis pala siya.
Sa halip na tuluyang itigil ang kanyang goal, kinausap ni Keane ang kanyang asawa at doktor tungkol sa pagpapatuloy ng races. Binigyan siya ng kanyang doktor ng clearance na tumakbo dahil isa na siyang highly trained endurance athlete bago pa ang pregnancy. Kailangan lamang niyang bantayan ang kanyang nutrition at hydration at huminto agad kapag nakaramdam ng muscle cramping o iba pang problema.
Noong Agosto, tinapos niya ang Sydney Marathon habang 5 months pregnant, sinundan ng Berlin sa 6 months at Chicago sa 7 months.
Ang pinakamalaking challenge ay ang New York City Marathon, na tinakbo niya noong 8 months pregnant na siya. Natapos ni Keane ang race sa 4 hours, 6 minutes at 55 seconds, na may average pace na 9 minutes at 26 seconds kada mile.
Aminado si Keane na alam niyang unusual ang pagtakbo ng marathon sa third trimester ngunit kumpiyansa siya dahil kilala niya ang kanyang katawan at mayroon siyang medical clearance.
Ngayong nakumpleto na niya ang World Marathon Majors, sinabi ni Keane na nais niyang maipasa sa kanyang magiging anak ang isa sa pinakamahalagang natutunan niya sa running, ang pagiging resilient at paniniwalang kaya niyang harapin ang mahihirap na pagsubok.
- Latest















