^

Punto Mo

Babaing may 2 tumor sa breast pinagaling ni St. Charbel! (part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

LABIS akong nalungkot­ sa ipinagtapat ng ka­ibi­gan kong si Božena Mat­yasova: mayroon siyang breast cancer.

At ang nakagigimbal, dalawang tumor ang nakita sa kanyang breast. Ayon daw sa doktor, maliit ang tsansang gumaling si Božena kahit pa sumailalim ito sa chemotheraphy.

Parang kapatid ko na si Božena kaya ganoon na lamang ang nadama kong kalungkutan. Mula nang maging magkapitbahay kami sa Smižany, lagi kaming nagsi-share ng mga problema. Bagama’t magkaiba ang aming lahi—ako ay Syrian at siya ay Czech, naging matibay ang aming pagkakaibigan.

Pinalakas ko ang loob ni Božena.

“Gagaling ka. Magdadasal ako para ka pagalingin ng Diyos. Hindi ka pababayaan ng Diyos, Božena.”

“Maraming salamat Dima. Isa kang tunay na ka­ibigan,” sabi ni Božena at mahigpit akong niyakap habang tumutulo ang luha.

Dalawang araw bago ang admission niya sa ospital para sa chemotheraphy, binisita ko si Božena. Dinala ko ang Saint Charbel’s blessed oil, na may halong holy oil mula sa Jerusalem.

Habang nakahiga si Božena, pinahiran ko siya ng oil sa dibdib, noo at kamay. Ipinaliwanag ko sa kanya ang kahalagahan ng blessed oil ni Saint Charbel. Hindi alam ni Božena ang tungkol kay St. Charbel dahil hindi siya gaanong nagpapraktis ng pagiging Kristiyano.

Nang gabing iyon, nagpakita sa kanyang panaginip si St. Charbel. Ipinatong umano ang kamay sa kanyang dibdib. (Itutuloy)

TUMOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with