^

Punto Mo

Himala: Batang babae, gumaling sa cancer (Last part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAWALA ang cancer at virus ng batang si Milan makaraang ipagdasal ng pamilya sa isang pilgrimage sa St. Charbel’s Church sa Zahle, Lebanon. Hiniling nila kay St. Charbel na mamagitan ito kay Panginoong Hesus para sa paggaling at kaligtasan ni Milan.

Ilang araw makaraan ang pilgrimage, isinailalin si Milan sa test at examination para makita ang kalagayan ng cancer at virus sa katawan ng bata.

Ang resulta: wala nang trace ng cancer at virus!

Manghang-mangha ang mga doktor. Inulit pa ang mga test at kumpirmadong cancer at virus free na ang batang babae.

Napaiyak sa katuwaan ang pamilya ni Milan lalo na ang ina nito. Dininig ni St. Charbel ang kanilang kahilingan na pagalingin at iligtas ang tatlong taong gulang na bata.

Pero mayroong ikinuwento ang ina ni Milan makaraan ang himala.

Ayon sa ina, galing sila sa doktor noon dakong alas otso ng gabi. Habang nakasakay sila sa kotse, nakatulog umano si Milan.

Nang magising, may sinabi ito sa ama. Nakita raw nito sa panaginip si St. Charbel. Sinabi raw ni St. Charbel sa kanya na ipinagdasal na ito at gagawing na. Pagkatapos ay binigyan siya nito ng tubig na kanyang ininom.

Natulala ang ama at ina sa sinabi ni Milan. Ganunman, naniniwala silang totoo ang mga sinabi ng anak sapagkat pagkatapos magpakita sa panaginip si St. Charbel, lubusang natala ang cancer at virus nito. Sa pamamagitan ng intercession ni St. Charbel kay Panginoong Hesus gumaling ang bata. Hindi sila tumigil sa pananalangin at dininig sila. Nagbunga ang kanilang matibay na paniniwala sa Diyos na hindi sila pababayaan.

HIMALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with