^

Punto Mo

Tree Queridas (21)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Bahagyang nakabukas ang pinto ng morgue. Mabigat ang amoy ng kemikal at formalin sa hangin habang nakatayo sina Diana at Celeste sa tapat ng bakal na mesa.

Upang hindi mabalisa si Lani at makaapekto ito sa kanyang pagbubuntis, tinawagan ni Celeste ang kanyang driver at pinapunta ito sa San Ildefonso para sunduin si Lani at ihatid ito sa bahay nito. Sina Celeste at Diana naman ay dumiretso sa morgue kung nasaan ang sinasabing katawan ni Carlo.

“Ito po ang mga gamit na nakuha sa bangkay,” sabi ng medico-legal officer habang inilalapag ang isang transpa­rent na plastic bag.

Napatitig si Celeste sa loob ng plastic. Bumigat ang kanyang paghinga. Pumatak ang kaniyang luha. “Damit nga ‘iyan ni Carlo At ‘yang leather belt na ‘yan... ako ang bumili niyan sa Italy.”

Lumapit ang medico-legal officer sa body bag at dahan-dahang ibinaba ang zipper hanggang sa dibdib. Dahil sa matagal na pagkakababad sa tubig-dagat pagkatapos lumubog ang barko, mahirap nang kilalanin ang mukha ng namatay. Napatakip ng bibig si Celeste at napalingon sa gilid. Ngunit si Diana, pilit na pinatatag ang kaniyang kalooban. Humarap siya sa bangkay at itinutok ang tingin sa mga kamay nito. Mabilis na ibinaba ni Diana ang kanyang tingin sa hintuturo ng kanang kamay ng bangkay. Inangat niya ang kanyang kamay at dahan-dahang hinawakan ang mga daliri nito. Biglang napatigil si Diana. Tinawag niya ang atensiyon ni Celeste, na hindi makatingin sa bangkay.

“Celeste...” bulong ni Diana habang itinuturo ang hintuturo ng bangkay. “Tingnan mo.”

Lumapit si Celeste, nagugulumihanan. “Walang tattoo.”

Noong nag-21st birthday si Carlo, nagpa-tattoo ito ng ‘090996’ sa gilid ng hintuturo ng kanang kamay niya.

“Maliit lang, pero nandoon ‘yon. Tuwing humahawak siya ng baso o nagmamaneho, nakikita ko ‘yon.”

Nanlaki ang mga mata ni Celeste. Yumuko siya para suriing mabuti ang hintuturo ng bangkay.

“Hindi ito si Carlo,” pinal na pahayag ni Diana. “Ang damit, ang wallet, at ang relo... kay Carlo. Pero ang taong ‘to sa harap natin... hindi siya si Carlo.”

(Itutuloy)

MORGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with