Paralisadong ina, muling nakalakad! (Last part)
NANG magising umano si Nohad El Chami, nakita niya ang dalawang bakas ng sugat sa magkabilang gilid ng kanyang leeg!
Ang mga sugat ay likha ng operasyon na isinagawa sa kanya ni St. Charbel at St. Maron noong Enero 22, 1993.
Nagpakita sa kanyang panaginip si St. Charbel at St. Maron na nagsabi sa kanyang ooperahan siya.
Bago iyon, nagdasal nang buong taimtim ang pamilya ni Nohad kay St. Charbel. Isa sa mga anak na lalaki ni Nohad ang nakakuha ng langis at lupa mula sa libingan ni St. Charbel sa Annaya, Lebanon. Ipinahid ang langis at lupa sa katawan ni Nohad.
Pero ang labis na ikinagulat ni Nohad matapos mapanaginipan ang ginawang operasyon ni St. Charbel at St. Maron ay nang mawala ang pagkaparalisado ng kanyang katawan. Muli siyang nakalakad!
Hindi makapaniwala ang pamilya ni Nohad.
Ang nangyaring himala kay Nohad ay mabilis na kumalat sa buong Lebanon.
Nagsagawa ng medical examinations kay Nohad at lumabas na ang kanyang carotid arteries ay lubusan nang gumaling.
Naniniwala si Nohad at kanyang pamilya na ang intercession ni St. Charbel ang dahilan ng kanyang paggaling sa pagkaparalisado. Ito ang namagitan kay Panginoong Hesus.
Dumalaw si Nohad at pamilya sa libingan ni St. Charbel sa Annaya, Lebanon para magpasalamat.
- Latest




















