^

Punto Mo

Tres Queridas (12)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PAGKATAMA nang matinding kidlat ng flash mula sa camera ng lalaki sa van, pinasibad ng driver ni Celeste ang SUV patungo sa isang masikip na eskinita. Doon nila tuluyang nailigaw ang itim na sasakyan.

Hindi na sila nag-aksaya ng panahon. Dahil sa matinding takot at panginginig ng buntis na si Lani, nagdesisyon si Celeste na ihatid na muna ito pauwi sa apartment nito sa Commonwealth upang makapagpahinga. Si Diana naman ay nagpahatid na rin sa kanilang bahay. Nagkasundo silang mag-uusap muli kinaumagahan kapag kumalma na ang paligid.

Tahimik ang buong bahay nang makauwi si Diana. Pagkatapos siguraduhing maayos at tulog na ang kanyang anak na si Mateo, pumasok siya sa kuwarto kung saan itinatago nila ang mga lumang gamit. Kinuha niya dito ang isang malaking stereo na may cassette player.

Matapos punasan ang alikabok nito, nanginginig ang kanyang mga daliri habang isinasaksak ang nakuhang cassette tape sa secret apartment ni Carlo. Pagkapindot niya ng play, biglang nagkaroon ito ng nakangingilong ingay.

KRRR-KRRKKK!

“Hala!” napasigaw si Diana.

Kinain ng player ang ribbon ng casette! Mabilis niyang pinindot ang STOP at EJECT. Pagkakuha niya sa cassette, may nakalabas na gusot-gusot na kulay itim na ribbon. Kumuha siya ng ballpen at dahan-dahang inikot ang wheel ng cassette para maibalik ang ribbon sa loob.

Habang maingat na iniikot ang ballpen sa tape, napatitig si Diana sa kabilang deck ng stereo. Nakasaksak doon ang isang lumang cassette na hindi na naalis bago itago sa bodega—ang Greatest Hits album ng 70s rock band na Chicago. Biglang bumalik sa isip ni Diana ang isang linggo ng umaga, walong taon na ang nakalipas. Nakahiga si Carlo sa sofa habang paulit-ulit na pinapatugtog ang kantang “25 or 6 to 4”.

“Pang lolo naman ‘yang pinatutugtog mo!” biro ni Diana sa kanya noon.

Ngumiti si Carlo ngunit bakas ang lungkot sa mga mata nito. “Paborito ‘to ni Papa. Nung bata ako, ito ang laging pinatutugtog niya. Kinakanta niya rin ito sa videoke. Kaya paborito ko na rin.”

25 or 6 to 4. Napa­singhap si Diana sa gitna ng silid. Naalala niya ang padlocked drawer sa filing cabinet sa secret apartment. May isang drawer doon na may 4-digit combination dial lock na hindi nila nabuksan kanina.

2-5-6-4. Ito ang code ng padlock! (Itutuloy)

FLASH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with