^

Punto Mo

Babaing bulag nakakita! (Last part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

PINAGALING ni St. Charbel ang bulag na si Dafne Gutierrez. Nagsimula ang lahat nang dumalo si Dafne sa isang misa sa St. Joseph Maronite Catholic Church sa Phoenix, USA kung saan naroon ang relics ni St. Charbel.

Nakatayo si Dafne at naghihintay ng blessings ng pari nang maramdaman niyang may taong nakatayo sa kanyang harapan sa gawing kanan at hinipo siya. Pero sabi naman ng hipag ni Dafne, walang tao roon maliban sa pari na nasa gawing kaliwa.

Subalit ipinagpilitan ni Dafne na may tao roon.

Hanggang sa magkaroon ng pagbabago kay Dafne matapos ang pangyayari sa simbahan. Nagtaka ang mister ni Dafne.

“May kakaiba akong nakikita sa iyo,’’ sabi ng asawa. “Ano ang nangyayari sa iyo?”

Hanggang ipagtapat ni Dafne na nakadama siya na tila nasusunog ang mga mata at pagkatapos nang imulat niya ay nakakakita na siya.

“Ngayon ay malinaw na kitang nakikita,” sabi ni Dafne sa asawa.

Naniniwala si Dafne na pinagaling siya ni St. Charbel.

Nang i-checkup siya ni Dr. Anne Borik, nagtaka ito sapagkat normal na ang pressure sa utak ni Dafne. Ang pressure sa utak ang dahilan ng damage sa optic nerve ng mga mata ni Dafne.

Hindi lamang basta na-restore ang paningin ni Dafne kundi naging 20/20 pa sabi ni Dr. Borik. Sabi pa ng doktor, “There’s nothing in the medical literature that anything like this had ever happened. We have no medical explanation and therefore believe this to be a miraculous healing through the intercession of St. Charbel.”

Sabi ni Dafne makaraang makakita, ibinalik ng Diyos ang kanyang mga pani­ngin­ sa pamamagitan ni St. Charbel dahil may mahalagang dahilan. Gusto niyang makatulong sa iba. Payo niya, huwag mawawalan ng paniniwala sa Diyos.

CATHOLIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with