Madre, gumaling sa malubhang sakit!
(Kasaysayan ito ni Sister Marie Abel Kamari, isang Lebanese na madre.)
NAGKAROON nang matinding sakit si Sister Marie sa loob ng 14 na taon na nagsimula noong 1936. Hiniling niya sa noon ay pari pa lamang na si Father Charbel, isang Lebanese Maronite hermit na maging tagapama?itan ito kay Panginoong Hesus para siya gumaling sa taglay na sakit.
Ayon kay Sister Marie, lumubha ang kanyang sakit na halos ay hindi na niya kayang tagalan. Sobrang sakit umano ang kanyang sikmura at parati siyang nagsusuka. Dahil sa sitwasyon, hindi siya makakain.
Na-diagnosed siya ng mga doktor na may serious ulcer-related problems. Isinailalim siya sa dalawang operasyon.
Subalit, hindi pa rin nalunasan ang sakit ng madre, bagkus, lalo pang lumubha ang kanyang kalagayan. Nanghina siya at nagkaroon ng para?ysis ang kanang kamay. Hindi na rin siya makalakad hanggang sa kina?aunan, nakahiga na lamang siya.
Ayon kay Sister Marie, tinapat siya ng mga doktor na ang kanyang sakit ay wala nang lunas.
Hanggang sa nalaman niya ang tung?ol kay Lebanese Maronite hermit Father? Charbel (kalaunan ay na-cano?ized at naging Saint Charbel Makhlouf) na maraming maysakit ang pinagagaling
Sabi ni Sister Marie sa panalangin kay Father Charbel: “Allow me, if you wish to cure me, to let me see you in a dream.” (Itutuloy)
- Latest




















