^

Punto Mo

Lalaking nasunog ang katawan, himalang nabuhay! (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

ANG pangyayaring­ ito ay base sa salaysay ng isang ina mula sa Mansourieh, Lebanon. Nasunog ang katawan ng kanyang anak na si Charbel Jihad Kassouf, 23, su­­balit himala itong nakaligtas sa kamatayan.

Ayon sa ina, pauwi na galing sa trabaho ang kanyang anak na si Charbel Jihad noong gabi ng Marso­ 11, 2023 at nagmamaneho ng kotse nito sa Sad El-Bouchrieh nang isang malaking sunog ang nakita nito sa dinaraanang highway. Isang residential building ang nasusunog.

Nakita umano ng kanyang anak ang mga taong na-trap sa building at humihingi ng tulong.

Agad umanong itinigil ng kanyang anak ang kotse at mabilis na tinungo ang gusali para tulungan ang mga na-trap na residente.

Matapang umano na sinuong ng anak ang nagliliyab na gusali para iligtas ang mga nagmamakaawang residente sa loob.

Dahil sa ginawa, grabeng nasunog ang ulo, leeg, mukha, tiyan, binti at mga paa ni Charbel Jihad.

Wala siyang malay nang isugod sa Geitaoui Hospital in Beirut.

Sinabi ng mga doktor na wala nang pag-asang mabuhay ang binata dahil sa mga tinamong pinsala.

Iyak nang iyak ang ina ni Charbel Jihad.

(Itutuloy)

HIMALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with