^

Punto Mo

Himala: Batang lalaki muling nakakita! (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Noon ay taglamig dito sa Canada. Nakatanggap ako ng e-mail mula sa isang babae sa Malta na nakabasa ng aking posts tungkol sa mga himalang ginawa ni St. Charbel.

Ayon sa message ng babae, ang kanyang anak na lalaki ay nanga­nganib mabulag. Gusto niyang guma­ling ang kanyang anak sa pamamagitan ni St. Charbel. Naniniwala raw siya na si St. Charbel ang makatutulong sa anak niya.

Ayon sa babae, tulungan ko raw siyang makakuha ng oil ni St. Charbel. Saan daw ba ito makukuha at paano?

Sinagot ko agad ang message ng babae.

Tinanong ko siya kung merong Maronite Church sa Malta na maaring pagkunan ng langis.

Sagot ng babae, wala raw simbahan ng Maronite sa kanilang lugar.

Nang mga oras na iyon, naisip ko na ako lamang talaga ang tanging makatutulong sa babae. Siguro ay itinadhana ng Diyos na ako ang gumawa ng paraan para makakuha ng oil ni St. Charbel.

Ginawa ko ang lahat nang paraan para makakuha ng oil at matulungan ang babae para sa kanyang anak na may kapansanan.

Mabait ang Diyos sapagkat ng araw na iyon, mayroong ipinamamahaging oil ni St. Charbel sa Ottawa! Agad akong kumuha ng oil at agad pinadala sa babae sa Malta sa pamamagitan ng mail.

(Itutuloy)

CANADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with