^

Punto Mo

Himala ng Birheng Lourdes: Babaing Lumpo, muling nakalakad (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

TATLONG beses narinig ni Antonietta Raco ang malamig na boses lumusong sa pool ng Our Lady of Lourdes sa France. “Huwag kang matakot! Huwag kang matakot! Huwag kang matakot!”

Kasunod niyon ay nakaramdam si Antonietta nang katiwasayan ng kalooban at init ng pakiramdam.

Hanggang sa maramdaman ni Antonietta na nagkaroon ng lakas ang kanyang mga binti at naikilos niya ang mga ito.

Agad niyang sinabi sa kanyang asawa ang pangyayari at maski ang mga ito ay hindi makapaniwala sa nangyari.

Nang makauwi sila sa Italy, patuloy sa pagbuti ang kalagayan ni Antonietta.

May pagkakataon na hindi na siya kailangang tuluyang tumayo. Kaya na niyang lumakad mag-isa patungo sa kanyang wheelchair.

Hanggang sa hindi na nga niya kailangang gumamit ng wheelchair. Halos ilan taon na nakabilanggo siya sa wheelchair.

Ang mga nakagugulat na pangyayari ay hindi tinago ni Antonietta. Hindi iyon simpleng karanasan lang kundi himala ng Mahal na Birhen ng Lourdes.

Agad ipinagbigay alam nina Antonieta sa Lourdes Medical Bureau ang kanyang paggaling. Ang kanyang kaso ay pinag-aralan. Nagsagawa ng mga pag-aaral. (Itutuloy)

HIMALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with