^

Punto Mo

Himala: Ang batang pinagaling ni St. John Paul II! (Last Part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Ngayon ay 36-anyos na si Jose Heron at paulit-ulit niyang sinasabi ang himalang ginawa sa kanya ni Pope John Paul II noong siya ay apat na taong gulang at may sakit na leukemia. Kinawawaan siya ng Diyos at ginamit si St. John Paul II para siya gumaling sa sakit.

Sabi ni Heron:

“God saved me for some destiny, and He knows what that is.”

Ayon kay Heron at kanyang pamilya, patuloy ang kanilang pasasalamat sa makapangyarihang Diyos at kay St. John Paul II dahil sa himalang pinagkaloob sa kanya. Patuloy ang pananampalataya niya sa Santo Papa na nagkaloob sa kanya ng ikalawang buhay.

Kasalukuyang nakatira ang pamilya ni Heron sa Rio Grande, Mexico. Wala nang bakas ng sakit sa kanyang katawan. Isa siyang malusog na lalaki na nagmamaneho ng ATV. Matulungin siya at mabait.

Ayon kay Heron, hinikayat daw siya ng kanyang mga magulang na pumasok sa seminary subalit wala umano siyang vocation.

Sinabi rin niya na mayroon siyang girlfriend. Tuwing Linggo ay nagsisimba sila ng pamilya. Sa kasalukuyan, isa na siyang engineer.

Ikinuwento ni Heron na makikita sa kanilang bahay ang malaking larawan ni Karol Wotyla (Pope John Paul II) na kuha nang dumalaw sila sa Rome.

POPE JOHN PAUL II

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with