Himala: ang batang pinagaling ni St. John Paul II! (part 1)
NOONG Mayo 1990, bumisita si Pope John Paul II sa Zacatecas, Mexico. Doon niya nakita ang apat na taong gulang na si José Herón Badillo. Si Heron ay may sakit na leukemia. Mahinang-mahina ang bata. Napakababa ng timbang at sabi ng mga doktor, hindi na ito makaka-rekober sa sakit.
Isa si Heron sa napili na makita at mabati si Pope John Paul II. Hawak ni Heron ang isang puting kalapati na simbolo ng kapayapaan.
Nang dumaan sa harap ni Heron ang Papa, niyakap siya nito. Pinayuhan siya ng Papa na pakawalan ang kalapati.
Pagkatapos pakawalan ang kalapati, hinalikan ng Papa ang noo ni Heron. Ang mga magulang ni Heron ay hindi makapaniwala sa ginawa ng Papa sa kanilang anak. Saglit silang natigilan sa napakahalagang pangyayaring iyon.
Ayon sa mga magulang ni Heron, makaraang yakapin at halikan ng Papa si Heron, agad na nag-improve ang kalagayan ng katawan ng kanilang anak. Lumakas ito.
Sa isinagawang medical examinations kay Heron, nawala ang tinataglay na leukemia ng bata.
Magaling na ito! (Itutuloy)
- Latest















