^

Punto Mo

Pinay DH, pinaghimalaan ni St. Charbel (Last part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SI St. Charbel ang nagpagaling sa iyo, Inay,” sabi ko. “Ang sinasabi mong gumamot sa iyo ay walang iba kundi ang santo na hiningan namin ng tulong para gumaling ka sa sakit,” sabi ko at ikinuwento ko kay Inay ang mga nangyari. Sabi ko matagal kaming nanala­ngin sa libingan ni St. Charbel sa Annaya at hi­niling na gumaling siya. Ikinuwento ko na ang aking mga amo ang nag-suggest na magtungo kami sa libingan ni St. Charbel para manalangin at humi­ngi ng tulong. Maraming oras kaming nakaluhod sa kapilyang kinalilibingan ng mapaghimalang santo.

“Dahil sa aming walang patid na pagdarasal, dini­nig ni St. Charbel ang aming kahilingan na gumaling­ ka Inay. Napakabuti niya. Hindi kami binigo sa aming kahilingan.”

“Hindi ka talaga nagpadala ng doktor, Anak?”

“Hindi Inay. Tanging ang matinding panalangin namin kay St. Charbel ang nagpagaling sa iyo.”

Napaiyak si Inay at nagpasalamat kay St. Charbel dahil sa ginawang himala.

Ako man ay labis-labis din ang pasa­salamat sa mapaghimalang santo. Hindi ko malilimutan ang pangyayaring iyon sa aming buhay.

HIMALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with