^

Punto Mo

Sibling Facts: ­Nag-aaway pero hindi naghihiwalay

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Mas madalas mag-away ang magkakapatid na magkakalapit ang edad.

Dahil mas marami silang pinagsasaluhang resources, attention at space, mas nagkakaroon ng kompetisyon, pero hindi ibig sabihin na masama ang relasyon nila.

• Ang away magkakapatid ay maaaring maging training ground sa pakikitungo sa ibang tao.

Sa simpleng pagtatalo, natututo silang makipag-negosasyon, humingi ng tawad, magtakda ng boundaries at kontrolin ang emosyon.

• Malaki ang epekto ng birth order sa family dynamics.

Ang panganay, middle child at bunso ay maaaring magkaroon ng magkakaibang karanasan dahil iba ang expectations at treatment na natatanggap nila habang lumalaki.

• Hindi laging pareho ang personality ng magkakapatid kahit pareho ang pagpapalaki.

Bawat anak ay may sariling temperament, karanasan, barkada, guro at environment na nakaaapekto sa kanilang personalidad.

• Natural na ikumpara ng magkakapatid ang kanilang sarili sa isa’t isa.

Maaari nilang ikumpara ang grades, itsura, trabaho, kita, relasyon o achievements. Kapag naging sobra, maaari itong makaapekto sa self-esteem.

• Ang paboritismo ng magulang ay maaaring magkaroon ng pangmatagalang epekto.

Kapag nararamdaman ng isang anak na mas paborito ang kapatid, maaari itong magdulot ng inggit, resentment o pakiramdam na hindi siya sapat.

• Maaaring maging magkaaway at magkakampi ang magkakapatid sa iisang araw.

Karaniwan ang sibling rivalry, pero kapag may problemang galing sa labas ng pamilya, maaari silang biglang magsanib at ipagtanggol ang isa’t isa. (Itutuloy)

EDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with