^

Punto Mo

EDITORYAL - Dagdag na sahod, ipagkaloob na

Pang-masa

Malaki na ang maitutulong ng karagdagang P85 sa suweldo ng mga manggagawa. Pandagdag na ito sa pamasahe, bigas, gamot at baon ng mga anak sa eskuwela. Pero hindi ito nangyari.

Mabigat ang naging epekto ng temporary res­training order (TRO) na pumigil sa pagpapatupad ng dagdag-sahod sa National Capital Region (NCR). Ang unang tranche na P60 ay dapat naramdaman na ng mga manggagawa noon pang Hulyo 25, habang ang natitirang P25 ay sa Enero 2027.

Hindi man nito malulutas ang kahirapan, may agarang ginhawang ibibigay ito sa mga pamilyang isang kahig isang tuka.

Mahalagang igalang ang proseso ng korte. May karapatan ang mga employer na magpahayag ng pagtutol, lalo na kung naniniwala silang mabigat sa operasyon ang dagdag-sahod.

May mga negosyong nangangamba sa gastos, layoffs, at epekto sa iba pang rehiyon.

Pero may tamang proseso para rito. Kung hindi sang-ayon sa wage order, ang usapin ay dapat dumaan sa mekanismong itinakda ng batas at wage boards. Hindi dapat maging shortcut ang TRO para patigilin ang umentong dumaan na sa konsultasyon ng labor, employers, at gobyerno.

Sa ganitong sitwasyon, laging mas mabilis maram­daman ng manggagawa ang delay kaysa ng mga nasa taas. Ang kompanya ay may abogado, pondo, at oras para lumaban.

Ang minimum wage earner, kadalasan, may bill na due date, anak na may pasok sa school, at pagkain na kailangang bilhin.

Kaya tama lang na manindigan ang DOLE, OSG, labor groups, at mga mambabatas para maipatupad ang wage order. Kung tunay na may pagkukulang sa proseso, ayusin ito sa tamang venue. Pero hindi dapat ang manggagawa ang unang mawalan habang nagdedebate ang lahat.

Hindi sapat ang sabihing mahalaga ang manggagawa. Dapat makita iyon sa payslip.

Ipatupad ang dagdag-sahod. Huwag nang ipagkait ang kaunting ginhawang matagal nang hinihintay. Lubhang kailangan ito nang nakararaming mamamayan na isang kahig, isang tuka. Huwag nang hintayin pang magrebolusyon ang kanilang mga bituka.

SUWELDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with