Himala: Maysakit na ina, gumaling! (Part 7)
Nakapagpa-checkup si Mama sa isang oncologist. Habang ginagawa ang examination sa kanya ay walang tigil ang pagdarasal ko kay Mama Mary. Hiniling kong walang cancer si Mama. Nagmakaawa ako kay Mama Mary na iligtas ang aking ina sa sakit.
Makaraan ang isang linggo, lumabas ang resulta ng examination: may stage 3 breast cancer si Mama.
Kailangang dumaan siya sa radiation at chemotheraphy.
May mga mabubuting tao na tumulong sa amin para sa pinansiyal para maisagawa ang chemotherapy at radiation. Lumapit ako sa mga opisyal ng isang asosasyon at nagkaloob sila ng tulong kay Mama. Lumapit din ako sa mayor at iba pang local officials.
Kailangang tuluy-tuloy ang gamutan kaya ginawa ko ang lahat nang paraan para makalikom ng halaga. Sa pagkakataong iyon, lalong lumakas ang pananalig ko kay Mama Mary. Naniniwala ako na hindi niya pababayaan si Mama. Hindi hahayaan ni Mama Mary na mawala sa piling ko ang aking minamahal na ina. (Itutuloy)
- Latest




















