^

Punto Mo

Kailangan ba talaga ang demand letter?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Kailangan ba talaga ang pagpapadala ng demand letter? Alam na naman po ng may utang sa akin na overdue na ang pagbabayad niya. Ano po ba ang mangyayari kung hindi ito nagawa? – Mar

Dear Mar,

Mahalaga ang pagpapadala ng demand letter kung may plano ka na magsampa ng kaso upang masingil ang inutang sa iyo. May posibilidad kasing maging dahilan ng agarang pagkakabasura ng kaso kung hindi maipapakita sa korte na nasingil ng maayos ang may utang at nabigyan siya ng sapat na pagkakataon para makapagbayad bago humantong ang lahat sa demandahan.

Sa madaling sabi, maaring ipagpalagay ng korte na wala pang nakakaligtaang obligasyon ang may utang kung hindi mo pa siya pormal na nasisingil sa pamamagitan ng isang demand letter. Puwedeng masayang lang ang pagsasampa mo ng kaso.

Kaya alam man o hindi ng may utang sa iyo na kailangan na niyang magbayad, mahalaga at mainam na magpadala ka ng demand letter lalo na’t hindi pa naman kailangan ng abogado sa paggawa nito at hindi rin kailangan na notaryado ang demand letter. Ang  mahalaga ay nakasaad sa demand letter ang sinisingil na halaga, kabilang na ang interest at penalties, kung mayroon man, at ang petsa kung kailan dapat bayaran ng may utang ang iyong sinisingil na halaga.

DEMAND LETTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with