^

Punto Mo

Himala: iniligtas ng guardian angel (Last Part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANONG itsura ng lalaking tumulong sa’yo?” tanong ng kasamahan ko sa kuwarto.

“Hindi ko nakita ang mukha. Malaking lalaki siya at matipuno at putimputi ang suot.”

“Sana naitanong mo ang pangalan. Hindi kaya pulis ‘yun?”

“Pero mahaba ang buhok.”

“Mahaba ang buhok?”

“Oo—hanggang balikat.”

Napatitig sa akin ang kasamahan ko.

“Sino kaya ‘yun?”

“Hindi ko nga maisip—si­guro’y dahil sa takot kanina kaya parang nawala ako sa sarili.”

“Hindi kaya guardian angel mo ‘yun?”

Nag-isip ako. Kanina habang nagtatawanan ang dalawang adik, dasal ako nang dasal sa aking guardian angel na si Lauviah. Hiniling ko na saklo­lohan niya ako. At makaraan ang ilang sandali ma­karaang magdasal, dumating ang matipunong lalaki at iniligtas ako.

“Tama ka, guardian angel ko nga iyon,” bigla kong nasabi sa aking kasama sa kuwarto. Iniligtas ako ng aking guardian angel na si Lauviah!”
Hindi nakapagsalita ang kasama ko sa kuwarto.

Umusal naman ako ng da­langin at pasalamat kay Lauviah—ang aking guardian angel. Kung hind isa kanya, napahamak na ako.

ANGEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with