PCSO, namigay ng 1,731 PTVs sa buong Pinas!
May malaking bahagi ng kita ng palaro ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang ginugugol upang pondohan ang mga programa upang direktang pagsilbihan ang publiko, lalo na ang mga mahihirap. At isang programa ng PCSO ay ang Patient Transport Vehicles (PTVs) o ambulansiya upang mapabilis ang pagdala o pagbiyahe ng mga pasyente sa ospital o mga pagamutan.
Sa kabuuan, halos 1,731 ambulansiya na ang ipinamahagi ng PCSO sa mga probinsiya, siyudad, munisipalidad at ospital ng gobyerno, lalo na sa malalayong lugar na halos hindi na narating ng serbisyo publiko. “At PCSO, we remain steadfast in our commitment to serve and fully support President Ferdinand R. Marcos Jr.’s agenda of bringing essential services closer to the Filipino people, because helping them is both our mandate and our responsibility,” ayon kay PCSO General Manager Mel Robles. “The PTVs that we are turning over will help bring healthcare services closer to those who need them most, especially those living in remote and underserved communities,” ang dagdag pa ni Robles. Get’s n’yo mga kosa?
Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Nitong nagdaang mga araw, pinangunahan ni Robles ang mag-turnover ng 18 PTVs sa mga gubernador at LGUs sa probinsiya ng Cebu, Bohol, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Samar, Eastern Samar, Northern Samar, Negros Oriental, at Siquijor. Sinabi ni Robles na ang mga ambulansiya ay upang tulungan ang LGUs sa pagdala ng mga pasyente na ligtas at matiwasay ang biyahe patungo sa ospital, lalo na kapag galing sa liblib na lugar ng Pinas.
Ang epekto ng mga programa ng PCSO ay madali at mabilis na maramdaman kapag nakarating na ang tulong sa mga komunidad sa kritikal na panahon. “When patients are brought to the hospital on time, when communities receive better services, or when families are given hope in times of need, we see the true value of our shared efforts,” ang pahayag ni Robles. Mismooooo!
Hindi lang naman ang pag-turnover ng PTVs ang ginawa sa Cebu mga kosa kundi ipinamahagi rin ni Robles ang ceremonial release ng shares ng LGUs sa Visayas sa palarong Lotto ng PCSO mula Hulyo hanggang Disyembre 2025. Ang probinsiya ng Cebu ay nakatanggap ng P694,180.45; Eastern Samar, P276,825.94; Leyte, P1,095,531.25; Northern Samar, P986,794.95; Negros Oriental, P253,414.53; Siquijor, P53,737.56, at ang city government ng Cebu, P2,169,768.96. Wow na wow!
Patuloy lang kayong tumangkilik sa Lotto mga kosa ko sa mga probinsiyang sa itaas para lalong lumaki ang alokasyon n’yo. Tumpak! Sinabi naman ni Robles na ang pitsa galing sa Lotto ay sana gamiting ng LGUs sa kanilang sari-saring programa at serbisyo publiko. Dipugaaaaa! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!
- Latest















