^

Punto Mo

Puwede bang baguhin ang apelyido ng mga anak?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nais kong baguhin ang last name ng aking mga anak at isusunod sa last name ko. Hindi na kasi nagpapakita ang father nila. Single mother po ako at hindi kasal sa ama ng aking mga anak. Maari po ba iyon? — Amie

Dear Amie,

Kung dala-dala na ng mga anak mo ang apelyido ng kanilang ama ay mahirap na panigan ka ng korte. Karapatan kasi ng isang bata na dalhin ang apelyido ng kanyang ama kung siya ay kinikilala nito, kahit pa hindi kasal ang kanyang mga magulang.

Mahalaga rin na dala-dala ng iyong anak ang apelyido ng kanyang ama dahil matibay na ebidensiya ito ng kanilang relasyon bilang mag-ama kaya kung ipababago mo ito, maaring maapektuhan ang iba pa niyang mga karapatan, katulad ng karapatan niyang mag-mana sa ari-arian ng kanyang ama.

Maari rin na hindi pagbigyan ang hiling mo kung menor-de-edad pa ang mga anak mo. Sa  kaso ng Moore v. Republic (G.R. No. L-18407, 26 June 1963), ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi pinagbigyan ang petisyon ng magulang  na ipabago ang apelyido ng kanyang anak ay ang pagiging menor-de-edad ng huli.

Ayon sa Korte Suprema, hindi tamang pangunahan ang bata sa kung ano ang dapat niyang maging pangalan lalo na’t siya lamang ang makaaalam ng kanyang kagustuhan ukol dito. Dapat ay hintayin na lang siyang dumating sa tamang edad at hayaang siya ang magdesisyon kung gusto ba niyang baguhin ang kanyang pangalan sa pamamagitan ng tamang proseso sa ilalim ng ating batas.

Sa huli, laging isinasaalang-alang ng batas ang kapakanan at ang interes ng bata kaya ito ang magiging pangunahing konsiderasyon ng ating mga korte sa mga kasong may kinalaman ang mga menor-de-edad, kabilang na ang mga petisyon para sa pagpapalit ng apelyido.

APELYIDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with