^

Punto Mo

Imago (13)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BAHAGYANG bumagal ang takbo ng bullet train nang huminto ito sa Shizuoka Station. Sa sandaling iyon, nagising si Nelson dahil sa isang komosyon sa upuang mismong nasa likuran nila.

Isang babaing pasahero ang galit na nakikipagtalo sa isang lalaki sa wikang Hapon. Lumikha ito ng ingay sa tahimik na cabin ng tren. Ayon sa interpreter app sa telepono ni Nelson, iginigiit ng babae na ang lalaki ay nakaupo sa kaniyang reserved seat. Ang lalaki naman, na nakasuot ng itim na trench coat, ay sumagot lamang sa isang malamig at patag na boses bago bitbitin ang kaniyang itim na bag at lumipat ng ibang bagon kung nasaan ang mga unreserved seats.

“Akala ko sa Pilipinas lang nag-aagawan ng upuan sa public transportation,” natatawang bulong ni Nelson sabay sulyap kay Maya bago muling pumikit upang matulog.

Hindi sumagot si Maya. Ibinalik niya ang tingin sa labas ng bintana habang muling bumibilis ang tren. Tila walang kuwenta ang eksena, isang ­simpleng abala sa biyahe.

Pagkalipas ng ilang minuto, huminto muli ang tren sa Kakegawa Station upang magbaba ng mga pasahero. Habang naghihintay, lumingon si Maya sa salamin ng bintana. Sa siksikang platform sa labas, nakita niya ang lala­king naka-trench coat na kabababa lang.

Huminto ang lalaki sa tapat mismo ng bintana ni Maya upang magsindi ng sigarilyo. Nang iangat nito ang kaliwang kamay upang protektahan ang apoy mula sa hangin, natigilan si Maya. Dumikit ang kanyang mukha sa salamin.

Sa likod ng palad ng lalaki, malinaw na nakatinta ang disenyong abstract na ibon. Ang ibong may mata sa gitna.

Bago pa man siya makasigaw, umandar na ang tren, iniwan ang la­laking dahan-dahang lumingon at tumitig sa kanya habang bumubuga ng usok.

(Itutuloy)

SHIZUOKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with