'Himala'
(Part 8)
ILANG beses pang tumingin sa akin si Dr. Gonzales makaraang basahin ang resulta ng lab at x-ray tests ni Tatay.
Kinabahan naman ako kaya ako na ang nagtanong: “Bakit po Doc? Mayroon po bang hindi maganda?” mabagal at mahina kong tanong.
“Ha? Wala!” sabi ng mabait na doktor. “Dapat kang matuwa dahil…”
“Dahil ano po?”
“Wala akong makitang bukol sa lungs ng father mo. Walang trace na makita.”
Sa sinabi ni Doktor ay napaangat ako sa pagkakaupo.
“Totoo po Dok?”
“Oo. Ilang beses kong sinilip ang x-ray pero wala talaga akong makitang bukol. Iyon ang dahilan kaya ilang beses akong tumingin sa iyo. Hindi ako makapaniwala.”
“Ibig mo pong sabihin, wala nang sakit ang tatay ko Dok?”
“Hindi pa ako makapagbibigay ng pinal na kasagutan ngayon kaya ang gusto ko, uulitin natin ang x-ray sa tatay mo. Kung maari at ready siya, bukas natin isasagawa ang x-ray—para makatiyak tayo.”
“Opo Dok. Babalik kami rito para sa isa pang x-ray test.”
“Sige.”
Habang lumalabas ako sa clinic ni Dr. Gonzales ay walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos. Dininig niya ang dasal ko.
Bago umuwi, dumaan ako sa simbahan at nagpasalamat sa Diyos. Alam ko dininig ng Panginoon ang aking dasal.
(IItutuloy)
- Latest



















