^

Punto Mo

Imago (11)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI matanggap ni Maya ang mga naisip na paliwanag ni Nelson tungkol sa babaing nakita sa CCTV. Nang makatulog ang kaibigan, dahan-dahan siyang lumabas ng silid at bumalik sa front desk ng hotel. Kailangan niya ng sagot na hindi nanggagaling sa sarili niyang isip.

Hinarap niya ang receptionist na nagbigay ng keycard sa kamukha niya kaninang umaga. “Pakiusap, alalahanin mong mabuti,” pakiusap ni Maya sa wikang Ingles. “Nang pumirma ang babaeng kamukha ko, aling kamay ang ginamit niya?”

Nag-isip ang receptionist. “Kaliwang kamay po. Tanda ko dahil medyo natagalan siya sa paghawak ng panulat.”

Bumalik ang lakas sa mga tuhod ni Maya. Kanang kamay ang gamit ko. Si Mina ang kaliwete.

“May napansin pa po ba kayo?” sunud-sunod na tanong niya.

“Ah! May maliit at kakaibang tattoo siya sa likod ng kaniyang kaliwang palad,” sagot ng receptionist. “Parang kakaibang simbolo.”

Mabilis na inabot ni Maya ang kaniyang notebook at panulat. “Maaari mo bang idrowing?”

Kinuha ng receptionist ang panulat at ­maingat na binalangkas ang isang maliit na geometric na sining, isang serye ng mga linyang tila abstract na ibon na may mata sa gitna. Pamilyar ito kay Maya, ngunit hindi niya matandaan kung saan niya nakita.

Pagbalik sa kanyang kuwarto, agad na kinuhanan ng larawan ni Maya ang drowing at ginamit ang image search sa kaniyang cell phone. Pagkaraan ng ilang segundong paglo-load, lumabas ang mga resulta.

Hindi iyon basta simpleng disenyo. Ito ang natatanging tradisyunal na marka ng isang sikat at tagong tattoo shop sa Kyoto. Nabuhayan si Maya. May patutunguhan na siya. Ang kanyang kakambal ay hindi isang guni-guni. (Itutuloy)

IMAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with