^

Punto Mo

Himala’ (Part 4)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAKALIPAS ang dalawang linggo, nagtungo kami sa doktor para ipa-checkup si Tatay.

Sinabihan kami ng doktor na sumailalim muli sa examination si Tatay  para malaman ang kalagayan ng bukol na nasa kanyang baga. Malaking pera ang kailangan para sa gagawing examinations.

Pero dahil kailangang-kailangang maisagawa ang mga pagsusuri, naghagilap kami ng pera para maisagawa ang test kay Tatay. Nangutang kami sa Bombay at iba pang tao para maumpisahan ang x-ray tests at kung anu-anong lab tests.

Naisagawa ang mga iyon.

Habang naghihintay kami ng resulta ng tests, patuloy ang ginagawa kong pagdarasal sa simbahan na madalas kong pinupuntahan. Pati sina Nanay at iba ko pang mga kapatid ay nag-aalay din ng dasal at humihiling na gumaling na si Tatay sa tinataglay na sakit.

Sa tindi ng panalangin ko at pagsusumamo sa Diyos, napaiyak ako. Tumulo ang aking luha sa kinaluluhuran ko.

Taimtim na taimtim ang dasal ko na tulungan ang aking Tatay na gumaling sa sakit at manumbalik ang dating sigla.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa loob ng simbahan. Nang lumabas ako ay tanghali na at late na sa aking mga klase. Umuwi na lamang ako ng bahay. Isa pa, kailangan kong bumili ng gamot para kay Tatay ng araw na iyon.

Nagtaka si Nanay kung bakit maaga akong umuwi. (IItutuloy)

MIRACLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with