^

Punto Mo

‘Himala’ (PART 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

SA katulad naming mahirap at walang kakayahang maoperahan ang mahal sa buhay, ang pagdarasal na magkaroon ng “himala” ang inaasahan. Tanging ang pagdinig ng Diyos sa hinihiling ang inaasahan. At matibay ang paniwala ko na didinggin ng Diyos ang aking dalangin na makaligtas si Tatay sa pinagdaraanang sakit. Ipinagdasal ko na ang bukol na nakita sa kanyang baga ay mawalang tuluyan.

Araw-araw ay nagdarasal ako sa simbahan na aking dinaraanan papasok sa school. Noon ay malapit na akong magtapos ng kursong Business Management. Gusto ko na sanang huminto noong ma-diagnosed si Tatay na may kanser pero sabi ng aking ama, ipagpatuloy ko dahil malapit na akong matapos.

Habang nakaluhod ako sa loob ng simbahan at taimtim na nagdarasal ay pumapatak ang aking luha dahil sa matinding pagsusumamo sa Diyos na dinggin ang aking hinihiling.

Matagal akong nakaluhod at paulit-ulit ang pagdarasal na dinggin ng Diyos ang aking kahilingan.

Malakas ang aking paniniwala na hindi ako pababayaan ng Diyos. Pinanghawakan ko rin ang sinabi ng Diyos na nakasaad sa Bibliya na “isipin mong natanggap na ang hinihiling sa Diyos at natanggap mo na nga iyon.”

(Itutuloy)

HIMALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with