^

Punto Mo

Imago (2)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

UMATRAS si Maya, mabilis at marahas, hanggang sa bumangga ang kanyang likod sa malamig na pader ng gallery. Dumagundong ang tibok ng kanyang puso sa tainga, nilulunod ang bulung-bulungan ng mga Hapones at turistang nakapaligid sa kanya. Gusto niyang ipikit ang kaniyang mga mata, ngunit tila may magnet na humihila sa kaniya pabalik sa canvass.

Hindi maaari.

Muli niyang tinitigan ang larawan. Ang taling iyon sa ibaba ng kaliwang tainga, isang lihim na marka na silang dalawa lang ni Mina ang mayroon. Doon tulu­yang nanghina ang kanyang mga tuhod. Ang kanyang kakambal, na 10 taon nang hinahanap ng kanilang pamilya sa Maynila, ay narito sa ­Tokyo. Nakapinta. Hubad. At ayon sa tsismis ng mga kolektor, patay.

Nagsimulang mag-ikot ang paligid. Ang mga mukha ng ibang patron sa museo ay tila nagbago; bawat sulyap sa kaniya ay naging mapang­husga, bawat bulong ay tila paratang. Pakiramdam ni Maya, isa siyang multong naglalakad sa sarili niyang burol. Hinawakan niya ang kaniyang ­camera, ang kaniyang sandata sa bawat krisis, ngunit nanginginig ang kaniyang mga daliri. Hindi niya kayang iangat ang lente para kuhanan ang sarili niyang ­bangungot.

“Mina...” ang tanging naibulalas ng kaniyang tuyong bibig, bago tuluyang kapusin ng hininga.

Napasandal siya sa dingding, dahan-dahang napaupo sa sahig habang hawak ang kaniyang dibdib. Sa gitna ng kaniyang panic attack, isang anino ang huminto sa kanyang tapat. Isang pares ng leather shoes, at ang malamig na boses ng isang lalaki na nagsalita sa Ingles: “Maganda siya sa personal, hindi ba, Miss Maya?” (Itutuloy)

 

IMAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with