^

Punto Mo

‘Rosaryo’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Habang naglalakad ako sa kahabaan ng Evangelista St. sa Quaipo ay sinasalat ko sa bulsa ang napulot na rosaryo. Nahulog siguro sa may-ari. Kawawa naman. Hindi naman siguro kamahalan ang rosaryo at maaring sa paligid ng simbahan lamang binili.

Sa totoo lang, hindi ako marunong magrosaryo. Pero alam ko ang mga misteryo sa uwa at hapis na binabanggit habang nagrorosaryo. Isa pa, itinuro rin sa school ang pagrorosaryo sa Religion subject.

Habang naglalakad patungo sa aaplayan ko ng trabaho ay naidasal ko na sana ay matanggap ako sa aaplayan. May isang shoe store sa Avenida na nangangailangan ng helper. Nabasa ko ang anunsiyo sa hiniram kong diyaryo.

Hinanap ko ang shoe store. Mabilis kong nakita. Malapit sa isang lumang sinehan. Bago ako pumasok sa tindahan ay nagdasal muna ako nang taimtim sabay hipo sa napulot na rosaryo na nasa aking bulsa.

Pumasok ako sa shoe store. Tinanong ko sa guard kung saan mag-aaplay bilang helper. Sa second floor daw. Pumanhik ako.

(Itutuloy)

QUAIPO

ROSARYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with