^

Punto Mo

IMAGO (1)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Hindi sanay si Maya na siya ang nasa harap ng lente. Bilang photojournalist, mas komportable siyang nagtatago sa likod ng camera, nagmamasid sa gilid ng eksena. Ngunit sa loob ng art gallery na iyon sa Tokyo, naramdaman niya ang kakaibang bigat ng mga mata ng mga tao sa kanya.

May mga bumubulong. May mga turistang napapalingon sa kanya, pabalik-balik ang tingin mula sa kanyang mukha tungo sa mga brochure na hawak nila. May dumi ba ako sa mukha? sa loob-loob niya. Naisipan na lang niyang lumabas, ngunit bago pa man siya makatalikod, tinangay siya ng agos ng tao papasok sa pinakadulong silid ng exhibition.

Dito naka-display ang kontrobersyal na series of painting na pinamagatang “IMAGO.” Bulung-bulungan sa mundo ng sining na ang mga ipinintang hubad na babae rito ay hindi natutulog, kundi mga bangkay.

Nanguna ang kuryosidad ni Maya. Nakipagsiksikan siya hanggang sa makarating sa tapat ng pinakahuling canvass. At doon, parang binuhusan ng yelo ang kaniyang buong katawan. Nawala ang ingay ng paligid. Nabitawan ang dala niyang handbag.

Ang nakapinta sa canvass ay isang babaeng nakahiga sa kama ng mga tuyong bulaklak, maputla, at payapang nakapikit. Nakakakilabot pero nakakamangha sa ganda ang obra. Ngunit hindi ito ang dahilan na nagpatigil sa paghinga ni Maya. Kundi ang mukha ng babae sa painting.

Dahil iyon ang sarili niyang mukha. Ang kaniyang mga mata, ang kurba ng kaniyang ilong, ang taling na nasa ibaba ng kaliwang tainga.

Napahawak si Maya sa kaniyang dibdib, halos hindi siya makahinga habang dahan-dahang umaatras. Alam niyang hindi siya ang modelo sa painting. At alam niya, sa kaibuturan ng kaniyang puso, na hindi rin ito isang simpleng pagkakahawig.

Ang mukhang nasa canvass ay kay Mina, ang kakambal niyang sampung taon nang nawawala.

(Itutuloy)

IMAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with