Tahimik na katotohanan tungkol sa pamilya
NARITO ang ilang unwritten life lessons tungkol sa pamilya na madalas natututunan sa pamamagitan ng karanasan:
1. Hindi lahat ng kapamilya ay magiging malapit sa’yo. Minsan, mas magiging komportable ka pa sa ibang tao kaysa sa mga kadugo mo.
2. Ang pagmamahal ng magulang ay hindi laging perpekto. Mahal ka nila, pero tao rin sila at nagkakamali.
3. Habang tumatanda ka, mas maiintindihan mo kung bakit ganoon ang mga sakripisyo ng mga magulang mo.
4. Hindi habambuhay na magkakasama ang pamilya sa iisang bahay. Unti-unti kayong magkakaroon ng kanya-kanyang buhay.
5. Ang oras na hindi mo ibinigay sa pamilya mo ngayon ay maaaring hindi mo na maibalik bukas.
6. Minsan, ang mananakit ng iyong damdamin ay manggagaling mismo sa mga taong pinakamalapit sa’yo.
7. Hindi lahat ng away sa pamilya ay magkakaroon ng closure. May ilang sugat na natutunang tanggapin kaysa piliting ayusin.
8. Hindi mo tunay na maa-appreciate ang presensya ng isang kapamilya hanggang sa wala na sila sa araw-araw mong buhay.
9. Ang pagiging provider ay isang tahimik na sakripisyo na hindi agad napapansin. Mapapansin lang ito oras na tumigil ang provider sa pagsusustento.
10. Hindi sapat ang pagmamahal lang; kailangan din ng oras, respeto, at pag-unawa para manatiling matatag ang pamilya.
11. May mga problemang pinagdadaanan ang mga magulang mo na hindi nila kailanman ikinuwento sa’yo.
12. Ang pamilya ay hindi lamang tungkol sa dugo; tungkol din ito sa mga taong pinipiling manatili sa tabi mo sa pinakamahirap na panahon.
13. Balang araw, ang mga simpleng ingay sa bahay na kinaiinisan mo ngayon ang maaaring ma-miss mo nang sobra.
14. Ang sinseridad ng mister ay makikilala sa panahong maysakit ang maybahay niya.
15. Ang sinseridad naman ng maybahay ay makikilala sa panahon ng financial difficulties kung saan kaunti lang ang naiuuwing pera ng kanyang esposo.
- Latest


















