^

Punto Mo

Singilin ang Pabaya

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NOONG panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, bihira ang walang abisong brownout dahil takot mapagalitan at mapanagot ang mga kumpanya ng kuryente. Alam nila noon na kapag nagpabaya sila, siguradong may kalalagyan sila. Ngayon, parang naging normal na lang ulit ang biglaang pagkawala ng ilaw habang ang taumbayan ang laging nagtitiis.

Ang masakit, tuloy pa rin ang singilan kahit perwisyo na ang serbisyo. Ang ordinaryong mamamayan na naghahanapbuhay nang marangal ang direktang naaapektuhan. Nasusunog ang appliances, nasisira ang pagkain sa ref, natitigil ang hanapbuhay ng maliliit na tindahan, at hirap makapag-aral ang mga estudyante. Pero ang mga kumpanya ng kuryente, tila walang kaba dahil alam nilang walang mabigat na parusang naghihintay.

Kaya tama lang na pagmultahin ang mga kumpanyang paulit-ulit na nagkakaroon ng brownout lalo na kung walang malinaw na paliwanag o kapabayaan ang dahilan. Hindi puwedeng puro dahilan habang ang tao ang nagdurusa. Kung may nasisirang serbisyo, dapat may kapalit na pananagutan.

Mas makatarungan din kung ibalik sa mga residente ang bahagi ng binabayad nila sa kur­yente tuwing magkakaroon ng matagal o madalas na brownout. Bakit magbabayad nang buo ang mamamayan kung hindi naman buo ang serbisyong natatanggap? Sa ibang bansa, may rebate o bawas-singil kapag palpak ang serbisyo. Dapat ganito rin dito para matuto ang mga kumpanya na ayusin ang trabaho nila.

Hindi habang buhay dapat nagpapasensiya ang mga tao. Ang serbisyo sa kuryente ay hindi luho kundi pangunahing pangangailangan. Kapag walang ilaw, humihinto ang trabaho, negosyo, at pang-araw-araw na buhay. Kaya hindi sapat ang simpleng “pasensiya na po” sa bawat brownout.

Panahon na para higpitan ng gobyerno ang pananagutan ng mga kumpanya ng kuryente. Kapag alam nilang may kapalit na multa at refund sa mga tao, mas sisipagin silang ayusin ang serbisyo at iwasan ang kapabayaan. Hindi dapat laging taumbayan ang umiintindi habang sila ang patuloy na kumikita.

Disklaymer:  Ang artikulong ito ay opinyon lamang at layuning magbigay ng pananaw hinggil sa epekto ng brownout at pananagutan ng mga kumpanya ng kuryente sa publiko.

KURYENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with