Brutal advice na kailangan mong marinig
• Hindi lahat ng mabait, ay totoo sa iyo. Minsan, ginagamit ka lang habang may pakinabang ka.
• Kung wala kang disiplina, kahit gaano ka katalino, mauungusan ka ng mas pursigido.
• Walang darating na “tamang oras” kung lagi kang takot magsimula.
• Hindi porket mahal mo ang isang tao, mahal ka rin niya sa parehong paraan.
• Ang katamaran ngayon, utang na paghihirap mo bukas. Meaning, ang buhay ay hindi agad naniningil. Kaya akala ng marami okay lang maging kampante. Pero pagdating ng panahon, sabay-sabay maniningil ang mga bagay na pinabayaan mo noon.
• Walang may pakialam sa dahilan mo kapag wala kang resulta.
• Minsan hindi ka “malas,” kulang ka lang sa aksyon.
• Habang naghihintay ka ng motivation, may ibang taong tahimik na umaangat.
• Hindi mo kontrolado ang tingin ng tao sa’yo, pero kontrolado mo kung paano ka gagalaw.
• Ang comfort zone ay magandang lugar… pero doon din namamatay ang pangarap.
• Kapag lagi mong iniisip ang sasabihin ng iba, ibang tao ang magdidikta ng buhay mo.
• Hindi lahat ng nawawala sa buhay mo ay kawalan. Minsan, proteksyon iyon.
• Walang instant success. Ang nakikita mong “overnight success” ay mga nakatagong pagpapagod sa mahabang panahon na hindi mo nakita.
• Kapag hindi mo inayos ang isip mo, sisirain nito ang buhay mo.
• Ang pinakamahirap tanggapin: minsan ikaw mismo ang dahilan kung bakit hindi ka umuusad.
- Latest
















