‘Kuweba’ (Part 9)
“BAKAL kaya?” tanong ni Tatay na tila nababahala.
“Parang bakal, Tatay pero makinang.”
“Anong makinang? Parang may kislap kapag tinamaan ng liwanag?”
“Opo.”
Hindi nagsalita si Tatay.
“Halika, hilahin natin ang usa palabas. Mabigat kasi.”
“Paano ang nakita kong bakal, Tatay?”
“Babalikan natin. Ilabas muna natin ang usa.”
Pinagtulungan namin ni Tatay na hinila ang usa palabas ng kuweba.
Nang mailabas namin ang usa, binalikan namin ang nakita kong makinang na bagay.
“Nasaan ang nakita mong bakal?”
“Dun Tatay.”
Tinungo namin ang sulok ng kuweba. Itinuro ko ang kinaroroonan ng bakal.
“Ito Tatay!”
“Ako ang kukuha.”
Binunot ni Tatay ang makinang na bakal mula sa lupa.
Nang mabunot, nagulat kami.
“Bara ng ginto ah!” sabi ni Tatay. (Itutuloy)
- Latest



















