Flocerfida (396)
“EUNICE! Efren!” nasabi ni Ericko nang makita ang babae at lalaking kasama ni Kapitan Jaime na lumabas mula sa kusina.
“Kuya Ericko!” sabi ni Eunice at humakbang palapit kay Ericko.
Niyakap ni Eunice si Ericko.
“Kuya!” sabi nito at umiyak.
Nasa likod ni Eunice si Efren na tila maiiyak din dahil sa katuwaan na nakita ang kapatid na si Ericko.
Sina Kikoy, Jaime, Dang at Malou ay nakatingin sa nakaiiyak na tagpo. Pagkaraan nang matagal na panahon ay nagkita rin ang magkakapatid. Parang madudurog ang puso nila sa tagpong iyon.
Pagkaraan nang nakaiiyak na tagpo, masayang nag-usap ang magkakapatid.
“Kumusta kayo, Eunice, Efren?” tanong ni Ericko.
“Okey lang kami Kuya,” sagot ni Eunice.
“Sori sa inyo, hindi ko agad kayo naisipang hanapin. Mula nang mamatay si Papa, mag-isa na rin akong namuhay. Nakatapos na ako ng pag-aaral sa kolehiyo. Kayo nag-aaral ba?”
“Si Eunice lang ang nag-aaral Kuya. Ako ay tumigil muna.”
“Di bale, kapag umunlad ang negosyo ko, magpapatuloy ka ng pag-aaral. Ako ang bahala.” (Itutuloy)
- Latest




















