^

Punto Mo

Mga Pinoy, mataas ang expectations kay Calinisan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MATAAS ang ekspektasyon ng mga Pinoy kay Napolcom VICEO Atty. Ralph Calinisan nang maupo ito sa puwesto noong Abril 25, 2025 upang linisin ang hanay ng 250,000 kapulisan at panatilihin ang tiwala ng mamamayan sa ahensiya. Sa unang sultada, nagampanan naman ni Calinisan “with flying colors” ang kanyang mandato at umani pa ito ng papuri. Kung sabagay, determinado at masipag si Calinisan at may angkin pa itong talino upang ipatupad ang mga batas ng Napolcom.

Kaya lang habang tumatagal, unti-unting nalalantad kung anong uri ng liderato mayroon si Calinisan. Kung nakangiti ang mga pulis sa trabaho n’ya noong una, sa ngayon ay nakasimangot na sila. Napansin nila na madaling mapikon si Calinisan at may pagka-emosyunal pa. Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kinakakitaan din si Calinisan ng biases sa ilang isyu kung saan siya ay ‘‘heavily invested’’. Purbidang yawaahhhhh! Panay pa-media ni VICEO at ang palaging kawawa ay ang mga pulis na sangkot sa kaso. Ang ibinigay na ehemplo ng mga kosa ko ay ‘yung kanyang naging alitan sa isang Vlogger kamakailan na halos kaladkarin niya ang buong PNP at Napolcom dahil lang sa isang personal na hidwaan. Araguyyyyy! Red flag ang ganitong asta, lalo na isang taong pinagtiwalaan ng labis na kapangyarihan. Mukhang madaling ‘‘makiliti’’ ang abogado lalo na kapag nakaharap sa media Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Nitong Huwebes, May 21 naman, sa isang media briefing ibinandera ni Calinisan ang kapamilya ng mga missing sabungero. May isyung suhulan at dalawang PNP officials ang dawit dito. Ngunit ang napansin ng mga kosa ko sa kabuuan ng presscon, ang atensiyon ay wala sa mga pulis na dawit sa kaso o sa insidente ng panunuhol.

Ipinahiram ni Calinisan ang ‘‘platform’’ ng Napolcom at gamit ang integridad ng kanyang tanggapan hinayaan niyang paulanan ng mga kaanak ng biktima ng mga paratang ang isang abogada isang pribadong indibidwal na hindi saklaw ng otoridad ng kanyang opisina. At mas mukhang memoryado pa ng kaanak ng mga biktima ang pangalan ng abogada dahil mahigit sa isang dosenang beses nila itong binanggit sa presscon keysa sa dalawang akusadong PNP officers. Mismooooo!

Marami sa nakapanood ang nagduda na mukhang scripted yata ang palabas

Kumpleto ng crops ang nag-aakusa, habang yung prinsipyo ng due process nakalimutan na yata nila?Bilang abogado, dapat alam ni Calinisan na ang karapatan ay hindi lang eksklusibo sa mga nag aakusa. May ganun ding mga karapatan ang inaakusahan. Kaya natusta ni ex-PNP chief at MMDA Gen. Man Nicolas Torre ll si Calinisan sa sistemang ito.Madali kasing maging pogi sa mata ng iba lalu na kung ang bitbit mong naratiba ay ‘yaon lamang sa di umano’y mga biktima. Sa umpisa puro bida si Calinisan, Sa ngayon? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!

RALPH CALINISAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with