^

Punto Mo

‘Kuweba’ (Part 7)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SIGURADO kang walang ‘kalaban’ sa loob, Mike?’’ tanong ni Tatay habang hawak ang riple na gamit sa pang-hunting.

“Wala po. Tanging ang usa na nakabulagta ang nasa loob.”

“Kasi’y ayon sa mga matatanda, may nagbabantay sa mga kuweba rito sa gubat. Kailangan ay nakahanda lagi kapag papasok.”

“E di kung mayroong nagbabantay sana ay may nangyari sa akin.”

Hindi nakasagot si Tatay pero mahigpit pa rin ang hawak sa baril.

Pumasok kami. Naramdaman ko uli ang malamig na temperature. Kumakagat sa balat.

“Nasaan ang usa?”

“Dun pa sa gawing ‘yun Tatay.”

Napansin namin ang butas sa bubong ng kuweba. Doon naglalagos ang liwanag. Kung walang butas sa bubong, napakadilim sa loob.

Natanaw namin ang nakatimbuwang na usa.

“Hayun ang usa Tatay!”

Nilapitan namin.

“Malaki nga pala ito!” sabi ni Tatay. “Mabigat ito!”

“Paanong gagawin natin, Tatay?”

“Tatalian ko ang mga paa at hihilahin natin palabas.”

Inilabas ni Tatay ang nylon na tali na kasinglaki ng hintuturong daliri. Tinalian niya ang mga paa ng usa.

Habang tinatalian ni Tatay ang usa, nagmamasid ako sa buong paligid ng kuweba.

Hanggang may napansin akong makinang na bagay sa dakong sulok.

Pinuntahan ko. (Itutuloy)

CAVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with