Paano maging ‘maganda’?
NARITO ang ilang kakaiba pero epektibong tips para mas gumanda — hindi lang sa itsura, kundi pati ang iyong aura:
1. Matulog nang nakataas nang kaunti ang ulo.
Nakatutulong ito para mabawasan ang pamamaga ng mukha at eyebags paggising.
2. Uminom ng tubig bago magkape.
Kapag tubig muna bago caffeine, mas hydrated ang balat at hindi agad tuyot ang mukha.
3. Ayusin ang postura habang naglalakad.
Kahit simpleng tuwid na likod at relaxed na balikat, instant elegant tingnan.
4. Maglaan ng “walang salamin” days.
Kapag hindi ka laging nakatingin sa flaws mo, mas tumataas confidence at mas gumaganda ang aura.
5. Iwasang laging nakakunot-noo.
Minsan habitual na pala ang facial expressions. Soft at relaxed face = mas fresh tingnan.
6. Gumamit ng malamig na kutsara sa mata paggising.
Mabilis pampabawas puffiness at nakakapagpagising ng mukha.
7. Mabagal na pagsasalita.
Surprisingly, mas classy at attractive pakinggan ang taong hindi nagmamadali magsalita.
8. Kumain ng foods na may healthy fats
Tulad ng avocado, itlog, salmon, at mani, nakakatulong sa glow ng skin at buhok.
9. Magkaroon ng “signature scent”.
Hindi lang mukha ang nagpapaganda; pati iyong amoy.
10. Ayusin ang buhok bago matulog
Loose braid o silk pillowcase para hindi magulo at dry paggising.
11. Matutong ngumiti gamit ang mata
Hindi pilit na smile — yung genuine. Mas nakakaakit kaysa perfect makeup.
12. Iwas doom scrolling bago matulog
Kapag stress ang utak bago matulog, kita agad sa mukha kinabukasan. Ang “doomscrolling” ay yung sobrang pag-scroll sa social media o news na puro negative, nakaka-stress, o nakaka-anxious na content, kahit alam mong lalo lang itong nagpapasama ng iyong pakiramdam.
13. Maglakad kahit 15–20 minutes araw-araw
Nakaka-improve ng blood circulation kaya mas healthy at glowing tingnan.
14. Pumili ng kulay ng damit na bumabagay sa undertone mo
Minsan hindi makeup ang kulang, maling kulay lang ng suot.
15. Maging tahimik minsan
May kakaibang dating ang taong calm at hindi kailangang mag-ingay para mapansin.
- Latest















