^

Punto Mo

‘Kuweba’ (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

TINAMAAN ni Tatay ang usa pero hindi napuruhan. Nagtatakbo ito.

“Hahabulin ko Tatay!”

“Sige, mag-ingat ka. Hindi na makakalayo ‘yan dahil may tama.”

Palibhasa’y mabilis akong tumakbo, nasundan ko ang usa sa makapal na damuhan. Mabilis pa rin ito kahit may tama. Nagpasikut-sikot sa makapal na kugon. Pero nasundan ko.

Nang makalampas sa kugonan, gumawi ito sa kakahuyan. Hanggang makarating sa pusod ng gubat.

Makakapal ang mga damo at kahoy sa tinak­buhan. Naidalangin ko na sana ay huwag magawi sa bahaging may tubig ang usa. Sabi ni Tatay, kapag nakakita ng tubig ang usa at nakainom ay lalo itong bumibilis sa pagtakbo.

Nagpatuloy ang usa sa pagtakbo. Napansin ko na nanghihina na ito.

Hanggang pumasok ito sa isang kuweba.

Napatigil ako. Sabi ni Tatay, huwag akong papasok sa kuweba. (Itutuloy)

FATHER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with