Forthwith Kudeta bago litisin si Sara?
DAHIL sa pagmamadali at mababaw na pagpaplano ay lumikha ng mas malaking kumplikasyon ang pagpapalit ng liderato sa Senado na halatang-halata na preparasyon sa haharaping impeachment trial ni VP Sara Duterte. Forthwith kudeta bago agarang litisin si Sara. Ganu’n pala ‘yun?
Nahaharap ngayon sa kompromiso si Senate Sergeant at Arms Mao Ranada Aplasca dahil sa dimunano’y pagpapaputok nito ng baril sa loob ng senado at pagpatay sa mga ilaw sa ilang bahagi ng bulwagan ng senado kaya nagtakbuha’ng papalayo ang mga lehitimong journalists at mga amuyong kung saan daraan ang entourage nina Sen. Bato at Robin Padilla. Nakupoo!
Usaping krimen ang pinag-uusapan ngayon saan mang dako ng Pilipinas hinggil sa nangyaring pagdalo at pagtakas ni Sen. Bato sa senado matapos iluklok si Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate President. May krimen nga ba’ng nagawa si Alan at Robinhood sa pagsundo at pagpapatakas kay Bato? Hintayin natin!
Naiipit rin ngayon si Bato sa nag-uumpugang bato nina Sen. Pres. Alan Peter Cayetano at Sen. Tito Sotto dahil sa makasaysayang pagsipot nito sa Senado sakay ng kotse ni Alan Peter para makibahagi at siguruhing mapapalitan ni Alan Peter si Tito sa isang kudeta.
Magtataka naman talaga ang taumbayan dahil magmula November 2025 ay hindi sumisipot si Bato sa senado dahil sa diumano’y kinatatakutan nitong Warrant of Arrest mula sa ICC at handang ipatupad ng PNP. Pero NBI ang gumanap, kaya sinasakal ngayon ng senado si NBI Director Atty. Melvin Matibag. Ganu’n?
Maraming namumuo’ng haka-haka sa isipan ng taumbayan na maaring magresulta ng komplikasyon sa industriya at ekonomiya ng bansa. Dahil ‘yan sa kasakiman sa kapangyarihan at katakawan ng mga bulok na pulitikong sa ‘‘maleta’’ nakatuon ang ginagawa. May buwelta ‘yan mga amigo!
- Latest



















